Mang Rudy and Leonard. Howl Session at PRRM. January 2002. Photo by sep
Holy, holy, holy Mang Rudy
At ang mga musikerong namamahagi ng mga kanta sa kalye
Holy ang mga kundimang inipon at binaon mula Visayas at Mindanao
Holy ang mga kwento ni manang ng mga paboritong awitin sa mga amateur contests sa probinsya
Holy ang pagiibigan at alalayan ng dalawang kaluluwang ligaw sa maingay at magulong lansangan ng kyusi; Naririnig ko si Tom Waits at ang kanyang BLIND LOVE habang nakikita ko kayong papalapit; hinahawi ng inyong mga ngiti ang nakakabulag na usok ng barbecue sa carliz
The only way to find you, is if I close my eyes/ and find you with my blind love/ Must be blind Love/Only kind of love is stone blind love
Holy, holy, holy si Manang at si Mang Rudy
Long time no see.
(pasintabi kay G. Allen Ginsberg+)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Ayos! Gumagana na ang comment section mo. Ang ganda ng article kay mang rudy a.
hanep! sep na sep! hep-hep-otep!
Post a Comment